CONTENT CREATOR “BRADER”, muling gumawa ng INSENSITIVE at BASTOS

CONTENT CREATOR “BRADER”, muling gumawa ng INSENSITIVE at BASTOS
 

CONTENT CREATOR “BRADER”, muling gumawa ng INSENSITIVE at BASTOS na content na ikinagalit ng maraming netizens I Umihi pa sa pader ng isang private at religious property. | Kakasuhan ng batikang lawyer.

Maraming nagalit at nadismaya sa Dabawenyong Vlogger nga si Crist Briand na kilalang Brader, matapos nitong ilabas ang kaniyang content kay Pastor Quiboloy at sinadya pang ihian ang pader na may posters ni Pastor Quiboloy sa KOJC compound kung saan ito ay isang private property at religious compound.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang legal counsel ni Pastor Quiboloy, hindi nito palalagpasin ang ginawa ng bastos na voller para magtanda.





Ayon kay Atty. Torreon, sasampolan niya diumano ng kaso ang (vlogger) kasi hindi magandang modelo ito sa mga kabataan. 

“Para sumikat lang ay sisiraan at babalahurain ang iba, at iihian pa ang poster ni Pastor. Mahaba ang pasensya ni Pastor ACQ, pero ako na mismo ang magpapaalam sa kaniya na filean ito ng criminal case for grave oral defamation, offending religious feelings (‘yong pag-ihi niya sa poster ni Pastor), violation of city ordinance at civil case for damages kahit P10 million lang,” ang pahayag ni Atty. Torreon.

Bago sa insidenteng ito, matatandaang ginawan niya rin ng content ang mga estudyanteng Indian sa isang popular na medical school ng Davao City. Kung saan mariing kinundena ng Medical School ang insensitve na vlogger sa bastos na pakikipag-usap nito sa isang Indian student ng nasabing paaralan.

Base sa social media post ng vlogger, kausap niya ang isang Indian student at tinanong ito kung bakit amoy sibuyas ito.

Ayon sa mga netizens, hindi tumutugma sa kaniyang sinasabing Bless and Love ang kaniyang ginagawa dahil nagiging bastos na ito, walang modo at walang respeto sa iba.

from Facebook: netizens 



Comments